Ang Baybayin o Alibata (alam sa Unikodigo bilang Tagalog script o panitik na Tagalog) ay isang katutubong paraan ng pagsulat ng mga Pilipino (mga salitang katutubo sa kapuluan ng Pilipinas) bago pa dumating ang mga mananakop na Kastila. Ito ay hango sa Kavi na paraan ng pagsulat ng mga taga-Java at iba pang bahagi ng Timog Silangang Asya. Ito ay bahagi ng sistema o pamamaraang Brahmic (na nagsimula sa eskrito o sagisag na Sanskrit) at pinaniniwalaang ginagamit noong ika-14 siglo. Ito ay patuloy na ginagamit nang dumating ang mga Kastila hanggang sa huling bahagi ng ika-19 siglo. Ang ibang kahalintulad na mga paraan ng pagsulat ay ang mga Hanunóo, Buhid, at Tagbanwa. Ang salitang baybayin sa kasalukuyang wikang Tagalog ay katunayang nangangahulugan ng pagbigkas/pagsulat ng mga titik ng isang salita, o "to spell" sa wikang Ingles.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment