Saturday, July 4, 2009

Mga Anyong Lupa sa Pilipinas

1. Bulkan - isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang tinatawag na tahimik na kung saan matagal na hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang Makiling na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibo na kung saan maaari itong sumabog anumang oras. Mapanganib ang ganitong bulkan. Maaari itong sumabog at magbuga ng kumukulong putik at abo. Halimbawa nito ay ang bulkan ng Pinatubo.
Bulkan ng Taal
Bulkan ng Pinatubo
Bulkan ng Bulusan

2. Kapatagan - isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay.

3. Bundok - isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas mataas kaysa burol.

4. Burol - higit na mas mababa ito kaysa bundok at ang halimbawa nito ay ang tanyag na Chocolate Hills ng Bohol sa Pilipinas. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate.

5. Lambak - isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito.
Lambak ng Cagayan
Lambak ng Bangui

6. Talampas - patag na anyong lupa sa mataas na lugar. Maganda ring taniman dahil mataba ang lupa rito. Malamig at mahangin sa lugar na ito.


7. Tangway - isang pahaba at naka-usling anyong lupang na halos napalilibutan ng tubig.
Tangway ng Bataan
Tangway ng Zamboanga

8. Baybayin - bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat.

9. Bulubundukin - matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod.

10. Pulo - mga lupain na napalilibutan ng tubig.

Note:
To open/download the photo:
1st option - Click the thumbnail photo.
2nd option - Click the text link.

16 comments:

  1. LOOOOVVVVVEEEEE THIS SOOOOOOOOO MUCH!!!!! BIG HELP FOR ME AND MY DAUGHTER!! THANKS SO VERY MUCH FROM THE VERY BOTTOM OF OUR HEARTS!!!!!

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. this is good, pwedeng pakidagdag ang pix ng talampas ng cotabato...for future reference..thanks

    ReplyDelete
  4. Thanks a lot! it's much easier for us parents!

    ReplyDelete
  5. very good talaga,it really help a lot working Mom like me.

    ReplyDelete
  6. Very helpful, Thanks :)

    ReplyDelete
  7. Missed some but very helpful, thank you so much! Please add these; Yungib, Tangos & Disyerto with pics :)

    ReplyDelete
  8. so thankful ! thank you so much whoever is the author of this :))

    ReplyDelete
  9. Wow! ang galing naman ng page na eto.
    Di talaga mawawala ang chocolate hills.
    Sikat na sikat. Meron doon, dito at dito din Iba pang mga anyong Lupa

    ReplyDelete
  10. awsome maganda talaga good job

    ReplyDelete
  11. Salamat magandang tulong to sa anak ko dahil lagi syang may asayment

    ReplyDelete
  12. sa lalawigan ng _ makikita ang natatanging anyong lupa na_
    pasagot po slamt

    ReplyDelete
  13. thank you so much, it really helps me in making my instructional materials

    ReplyDelete